Lunes, Agosto 4, 2014
Ang Dahilan ng Simula
Ang sulat na inyong mababasa ang syang nagbigay Sa akin ng lakas ng loob para gumawa ng sariling blog.
Sulat na ginawa ko para Sa aking mga kapwa nagtapos Sa Aking paaralan kung Saan ako nagtapos ng aking kursong kinuha.
Dear Dualtech Fresh Graduate,
I remember the time when I was a fresh graduate, that was March of 1999.
I am look like a totoy na pinabili lang daw ng suka sa kanto.
After ng graduation day kinabukasan apply kami agad sa I bat I bang kumpanya,
Hindi pa uso ang e-mail,Facebook,twitter, instagram,jobstreet at ano pa mang social network ngayon.
Door to door ang style noon kung Hindi naman basa ka ng Manila Bulletin para makahanap ka ng trabaho.
Halos lahat kami magkaklase ganun ang ginawa wala pa nga referral.
Lahat ng hirap dinanas ko gutom,tagaktak ang pawis at maubusan ng pera para makahanap ng trabaho.
Tiwala Sa sarili at baon lahat ng natutunan Sa Dualtech mga sandatang naging baon ko lang.
Hirap kung hirap Sa pag apply aking dinanas walang baker,walang kakosa at walang kakilala.
At alam Kong marami Sa mga naggraduate noon na parehas ang pinagdaanan ko.
Dahil Sa pagtyatyaga nakahanap ako ng trabaho kahit na Sa maliit na sahod
Pitong libo Php 7,000.00 pesos ang unang buwanang sahod ko.
Kung nagawa ko ito noon tingin ko magagawa ninyo yan ngayon.
Ang nais ko ipahatid Sa mga bagong graduate ng Dualtech magtiwala kayo Sa sarili ninyo.
Huwag ninyong iasa sa mga alumni na makapasok kayo Sa trabaho.
Mas masarap ang tagumpay kung ikaw ang naghanap Sa sarili mong mga paa.
At mas lalo Mo pang maaabot ang mga pangarap Mo ng higit pa Sa iyong inaakala.
Huwag mong maging basehan Sa paghahanap Mo ng trabaho ang iyong sahod maging basehan Mo ay kung ano ang matutunan Mo Sa kanila at kung makakadagdag ba Sa iyong kaalaman.
Palawigin Mo ang iyong kaalaman at karanasan at magugulat ka na lang Sa pagpapalang darating Sa iyo.
Kasama na Sa umpisa ang hirap bago ang ginhawa.
It is your quality not the quantity to make you a successful Dualtech graduate.
The mission statement said as quality trained,highly skilled,productive and morally upright human being we must remember this.
Your character as Dual tech man will determine your success.
Mas masarap angkinin ang tagumpay kung matututo kang tumayo Sa sarili mong mga paa.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento